Manila, Philippines – Isang pagawaan ng paltik na armas sa isang Barangay sa lungsod ng Danao sa Northern Cebu ang nironda ng kapulisan at nagresulta sa pagkumpiska ng halos apat napung mga armas na tinatayang nagkakahalaga ng isa at kalahating milyong piso.
Ang raid ay ginawa ng Provincial Intelligence Branch, Provincial Mobile Force ng Cebu Provincial Police Office at ng Danao City Police Station matapos makatanggap ng impormasyon mula sa ilang mga residente tungkol sa pagawaan ng mga paltik na armas.
Maliban sa mga armas walang inabutan ang kapulisan na may-ari at trabahador sa nasabing lugar.
Aalamin ng mga pulis ang posibilidad kung gagamitin ba sa nalalapit na eleksiyon sa Barangay at SK ang ginawang mga armas.
Noon pa man ay kilala na ang Danao City sa paggawa ng armas na tinatawag na “Paltik.”