RAID | Warehouse sa Tondo, nakuhanan ng mga pekeng sigarilyo at iba pang pekeng produkto

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa P55 million pesos ang halaga ng mga pekeng sigarilyo at produkto na nakumpiska ng Bureau of Customs sa raid na isinasaga nila sa isang warehouse sa Antonio Rivera st. Tondo, Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, isinailalim nila sa (3) araw na surveillance ang naturang warehouse, makaraang makatanggap ng tip kaugnay sa mga pekeng produkto sa lugar.

Nasabat mula sa warehouse ang 120 carton ng mga pekeng sigarilyo, (3) DVD replicating machines, nasa 300 box ng blank DVDs, cellphone chargers at accessories.


Pinaghahanap na ang mga mayari ng warehouse na kinilala bilang sina Sonny Kho at Tito Yao.
Habang sasailalim mananatili muna sa BOC ang mga nasabat na pekeng produkto para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon

Facebook Comments