Hindi papayagan ni Liberal Party o LP Senator Bam Aquino na magkaroon ng sekretong botohan at railroading o madaliin ang panukalang pagbabalik ng parusang bitay.
Giit ni Sen. Bam Aquino, dapat hayaan ng Senado na gumalaw ang tamang proseso sa panukalang ibalik ang death penalty.
Ayon kay Senator Bam, hindi dapat mangayri sa senado ang ginawa ng Kamara na pag-apruba sa death penalty sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng viva voce, o pagboto na palakasan ng boses.
Sinabi pa ni Sen. Bam sa Mataas na Kapulungan ay dapat ihayag ng bawat senador ang kani-kanilang boto sa panukala upang magkaroon ng kalinawan at pananagutan ang bawat isa.
Ikinatwiran ni Aquino na bilang mga kinatawan ng mamamayan, dapat panindigan ng bawat senador ang kanilang magiging boto at kung kailangan ipaliwanag ang kanilang posisyon sa taumbayan.
Idineklara ni Sen. Bam na aktibong makikilahok ang bagong minorya sa debate kapag umabot na sa plenaryo ang panukala death penalty kung saan tiyak aniyang magiging dehado na naman ang mga kababayan nating mahihirap.