Japan – Kung dito sa Pilipinas, nagso-sorry ang rail company dahil sa aberya at delayed na biyahe ng mga tren.
Sa Japan, isang rail company ang nag-sorry matapos na mapaaga ng 20 segundo ang alis ng kanilang tren sa isang istasyon!
Sa inilabas na statement ng Tsukuba Express Line na biyaheng Tokyo-Tsukuba, 9:44:20 umalis ng Minami Nagareyama Station ang tren na dapat ay may scheduled departure na 9:44:40.
Bihira raw itong mangyari sa operasyon ng mga tren sa Japan na kilala sa pagkakaroon ng most reliable railways sa buong mundo.
Maraming netizen naman ang lalong humanga sa railway service ng Japan.
Facebook Comments