Tiniyak ni (Department of Transportation) DOTr head on Road Map Clarita Carlos na railways transport na ang magiging pangunahing gamit na sasakyan sa susunod na limang taon sa bansa.
Sa ginanap na transport press forum na Busina sa Quezon City, inisa-isa ni Carlos ang mga ginawang pag aaral ng kanilang grupo sa kundisyon ng mga lansangan sa Metro Manila at mga lalawigan sa bansa.
Aniya, maliban sa MRT, LRT1, LRT2 , kasalukuyang ginagawa na ang MRT-7 at iba pang railways at ang ang nakaplanong subway.
Kasabay nito sinabi rin ni Carlos na nais buhayin ng pamahalaan ang iba pang railways upang mapakinabangan at maibsan ang trapik sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ani Carlos, sa pamamagitan nito ay mapapaluwag ang EDSA na na daanan ng mga motorista
Sinabi ni Carlos na bubuhayin ng DOTr ang iba pang railways upang mapakinabangan at maibsan ang traffic sa ibat ibang bahagi ng bansa particular sa kalakhang Maynila.
Balak ding ilipat ang airport sa ark Global city upang mapaluwag ang EDSA.