Rain or Shine, pasok na quarterfinals sa PBA Governors’ Cup

Sports – Pasok na sa quarterfinals ang Rain or Shine Elasto Painters matapos tambakan ang Alaska Aces sa iskor na 112-82 sa PBA Governors’ Cup.

Naging bida sa Elasto Painters ang 14 points ni Jonathan Bullock habang mayroong tig-12 points sina Jericho Cruz at Beau Belga.

Ayon kay Painters Coach Caloy Garcia, sinamantala nila ang pagkakataon na hindi nakapaglaro sina Calvin Abueva at Sonny Thoss ng Aces.


Mayroon ng anim na panalo at apat na talo ang Painters habang ang Aces ay nagtapos ang kampanya sa tatlong panalo at walong talo.

Facebook Comments