Rain or Shine, tiklop sa Meralco Bolts sa iskor na 89-73

PBA – Naging pangatlong biktima ng Meralco Bolts ang Rain or Shine Elasto Painters matapos silang matalo sa PBA Governor’s Cup kagabi sa iskor na 89-73.

Ito ay matapos pataubin din ng Bolts ang Blackwater Elite at Gin Kings.

Sa tatlong laro, dalawa na ang talo ng Elasto Painters.


Pinangunahan ni Allen Durham ang laro ng Bolts na naka-triple-double, kabilang ang 23 points, 23 rebounds at walong assists habang bumida rin si Jared Dillinger sa ginawang 16 points.

Facebook Comments