Rain or Shine, wagi kontra Beermen; 108-98

Hindi pinaporma ng Rain or Shine Elasto Painters ang San Miguel Beermen sa kanilang naging laban kagabi sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center.

Tinalo ng Elasto Painters ang Beermen sa score na 108-98 kung saan bumida sa panalo sina James Yap na may 21-points at Javaee Mocon na nakapag-ambag ng 18-points.

Dahil dito, umangat ang record ng Rain or Shine na may tatlong panalo at isang talo habang ang Beermen ay mayroon ng 2-3 win/loss record.


Samantala, nanalo naman ang Phoenix Pulse kontra Blackwater Elite sa unang laro sa score na 114-95.

Facebook Comments