Makakatulong ang paparating na bagyo para tumaas ang level ng tubig sa ilang dam sa bansa.
Sa press briefing ng PAGASA Weather Bureau, sinabi ni Engr. Elmer Carinagal, hydrologist, batay sa kanilang 5-day assessment, inaasahang madaragdagan ng 65 milimeters ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sa ngayon ay nasa 191.55 meters ang water level sa Angat Dam, 192.87 meters ang tinatantyang i-a-angat ng water level nito. Mas mababa sa 210 mm na kailangang rainfall.
Samantala, ang San Roque Dam ay mayroon ngayong 229 meters water elevation at tinatayang tataas ito ng 242.77 milimeters, pero mababa pa rin ito sa 280 milimeters na kailangan.
Sa Pantabangan Dam, sa ngayon ay nasa 182.03 ang water elevation nito at mangangailangan ng 2060 mm na rainfall para habulin ang mababang water level nito.
Habang ang Magat Dam na ngayon ay may water elevation na 175.59 meters ay maaring maitaas sa 181.89 milimeter.