Rainwater Impounding Facility, planong itayo ng Manila LGU

Plano ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magtayo ng Rainwater Impounding Facility sa University of Santo Tomas (UST).

Nabatid na nagpulong na ang Manila local government unit (LGU) at UST upang talakayin ang proposal para sa pagtatayo ng naturang pasilidad.

Matatandaan na ang UST ay isa sa mga eskwelahan sa University Belt (U-belt) na madalas na maapektuhan ng pagbaha, lalo na bilang isa sa pinakamatandang unibersidad sa bansa.

Giit ng Manila LGU na sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang makatutulong nang malaki ang pasilidad sa pagtugon sa suliranin ng baha, lalo na sa mga darating na panahon.

Ang Rainwater Impounding Facility ay maiimbak ang tubig ulan saka idederetso sa drainage system o kaya ay maaari magamit pa sa ibang paraan.

Facebook Comments