Rajah Buayan may bagong alkalde!

Pormal nang nag-assume kahapon bilang Alkalde ng bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao si Vice Mayor Yacob “Jack” Ampatuan makaraang italaga bilang under secretary ng Department of Agriculture si Mayor Zamzamin Ampatuan.

Sa panayam ng DXMY kay Mayor Jack, ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan ng kanyang nakababatang kapatid na lubos anyang nakabuti sa bayan ng Rajah Buayan.

Tututukan pa rin anya ang peace and order sa kanilang bayan upang mapanatili ito.
Sinabi pa ni Mayor Jack na ngayon naman gaganapin ang opisyal na pagsasalin ni Mayor Zamzamin ng kanyang opisina kay Mayor Jack. Inaasahang magiging bisita sa okasyon si MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo.


Uupo na rin bilang Vice Mayor si First Councilor Bai Siitie Lumenda.

Facebook Comments