
“Fishball na nga lang pinaglalaban, hinuli pa”
Ito ang reaksiyon ng ilang netizen kaugnay ng isang raliyistang nahuli ng PNP na humihiling na ibaba ang presyo ng fishball, tokneneng, kwek-kwek ay calamares.
Umani ito ng reaksiyon online dahil simple lamang daw ang kanyang kahilingan sa isinagawang kilos-protesta sa Maynila pero hinuli pa.
Pero ayon kay MPD Spokesperson Philipp Ines, hindi sila basta-basta nanghuhuli ng mga indibidwal na walang ginawang paglabag sa batas.
Sinabi ni Ines na may paglabag sa batas ang naturang lalaki kaya ito hinuli ng mga awtoridad.
Facebook Comments









