Raliyistang humirit na ibaba ang presyo ng fishball, tokneneng, kwek-kwek at calamares, may nilabag talagang batas kaya hinuli ayon sa MPD

“Fishball na nga lang pinaglalaban, hinuli pa”

Ito ang reaksiyon ng ilang netizen kaugnay ng isang raliyistang nahuli ng PNP na humihiling na ibaba ang presyo ng fishball, tokneneng, kwek-kwek ay calamares.

Umani ito ng reaksiyon online dahil simple lamang daw ang kanyang kahilingan sa isinagawang kilos-protesta sa Maynila pero hinuli pa.

Pero ayon kay MPD Spokesperson Philipp Ines, hindi sila basta-basta nanghuhuli ng mga indibidwal na walang ginawang paglabag sa batas.

Sinabi ni Ines na may paglabag sa batas ang naturang lalaki kaya ito hinuli ng mga awtoridad.

Facebook Comments