RALLY | Consumers group sumugod sa Energy Regulatory Commission

Manila, Philippines – Sumugod at nagkilos protesta sa punong tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Pasig City ang consumers group sa pamumuno ng Pinoy Aksyon for Governance and Environment.

Ito para panawagan ang umano ay palpak na serbisyo at hindi makatarungang paniningil sa kuryente ng Panay Electric Company sa kanilang consumer sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay ginoong Bencyrus Gerona Ellorin, Chairman ng Pinoy Aksyon, lumipas na ang labing isang buwan matapos silang maghain ng reklamo pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring aksyon sa napakaseryosong reklamo.


Kabilang na dito ang 1000% na increase at over billing.

Nagtataka din ang mga consumer na kahit palaging brownout ay lumalaki pa rin ang kanilang bill sa kuryente.

Nangangahulugan anila na hindi nag-m-meter reading ang PECO pero naniningil sila ng bayad sa kuryente.

Una na rito sinabi ni Rep. Franz Josef Alvarez chairman ng House of Representatives Committee on House Legislative Franchises na dami ng mga reklamo ng mga residente ng Iloilo City laban sa PECO ay nakumbinse ang mayorya ng kumite na huwag ng bigyan ng bagong prangkisa ang naturang kumpanya magtatapos sa Enero 18, 2019.

Facebook Comments