Manila, Philippines – Magkakasa ng kilos protesta ang mga labor union sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Ito ay para igiit ang pagkakaroon ng maayos na mabuting trabaho sa mga manggagawa kasabay ng pagdiriwan ng World Day for Decent Work.
Nasa 700 manggagawa at unionist ng Industrial Global Union ay ipapanawagan ang pagpapatigil ng kontraktwalisasyon at pabilisin ang mga pagdedesisyon sa mga nakabinbing regularization cases.
Binigyang diin ng grupo na batid nila ang naisin ng Duterte administration na tapusin ang contractualization sa pamamagitan ng Executive Order 51 at DOLE Order 174-17 pero hindi pa rin ito sapat.
Umapela naman ang Federation of Free Workers (FFW) sa mga pulis at sundalo na payagan silang makapagsagawa ng protesta.
Nilinaw din ng grupo na walang kaugnayan ang kanilang pagkilos sa planong ‘Red October’ ng mga komunistang grupo.