RALLY | NCRPO naka-alerto na para sa mga kilos protesta ngayong Bonifacio Day

Magpapakalat ng sapat na pwersa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa inaasahang kaliwat kanang protesta ngayong Bonifacio Day.

Sa abiso ng iba’t-ibang militanteng grupo magmamartsa sila patungong Mendiola upang duon magkaroon ng programa, ang ilang naman ay kakalampagin ang US Embassy.

Ayon sa mga militanteng grupo kinukundena nila ang ginagawang pag-atake at pagpatay sa mga manggagawa.


Tinututulan din ng nila ang pag-eempleyo sa libu-libong mga illegal Chinese workers sa bansa.

Tampok din sa rally ang pagkundena sa mababang pasweldo sa mga manggagawa.

Highlight naman sa protesta ngayong Bonifacio Day ang pagsunog sa effigy nila Pangulong Rodrigo Duterte, US President Donald Trump at Chinese President Xi Jin Ping.

Samantala, paki-usap ng NCRPO sa mga militante, panatilihing payapa, maayos at malinis ang isasagawa nilang mga kilos protesta.

Facebook Comments