Rally ng mga militante sa Maynila, nakaperwisyo sa mga motorista

Binatikos ng mga motorista ang rally ng mga militanteng grupo sa Maynila kasabay  ng paggunita ng National Heroes Day ngayong araw.

Nagsagawa kasi ang mga militante ng kilos protesta sa pangunguna ng kilusang Mayo uno at iba pang mga kaalyadong grupo.

Sinakop ng kilos protesta ang apat na lane ng south bound ng España Boulevard sa Maynila kaya naapektuhan ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.


Sa kanilang rally, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na tapusin na ang ENDO at mapang-abusong kontraktwalisasyon.

Binatikos din ng grupo ang red-tagging ng militar sa mga militanteng grupo na kumokontra sa kontraktwalisasyon sa bansa.

Facebook Comments