Cebu – Isang pagtitipon ang gagawin ng mga militanteng grupo sa Cebu ngayong alas 4:00 ng hapon para ipahayag ang kanilang galit at pagkadismaya sa pagkamatay ng isang 17 taong gulang na estudyante na si Kian Loyd Delos Santos sa anti-illegal drug operation ng kapulisan sa Caloocan City.
Ang protesta ay pamumunoan ng grupong Akbayan – Cebu sa Colon street at ito ay susundan na isang candle lighting ceremony at pag-aalay ng mga panalangin para sa iba pang mga naging biktima ng extra judicial killings kaugnay ng drug-war ng administrasyon.
Nababahala ang grupo na ang nangyari kay Delos Santos ay hindi malayong mangyari rin sa Cebu sa nagpapatuloy na madugong kampanya ng kapulisan laban sa droga.
Kaisa ang grupo sa panawagan ng simbahan at ibang human rights group na itigil na ang pagpatay kaugnay sa anti-drug war ng gobyerno.