Rally sa Hong Kong, inaasahang titindi pa

Inaasahang titindi pa ang kilos protesta sa Hong Kong ngayong araw, October 1, 2019 kasabay ng pagdiriwang ng ika-70th anibersaryo ng Communist Rule sa China.

Ayon sa mga otoridad, nahaharap sila ngayon sa matinding panganib dahil sa karahasang dulot ng mga galit na raliyista.

Matatandaang nagsimula ang mga kilos protesta sa Hong Kong nitong Hunyo ng ipanukala ang extradition bill sa bansa na tinutulan ng mga mamamayan nito.


Samantala, pinayuhan naman ng konsulada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Hong Kong na umiwas sa mga lugar na malapit sa mga raliyista para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments