Ikinatuwa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Vicente Danao ang pagsunod ng mga lider ng mga militanteng grupo na maagang mag-disperse sa kani-kanilang assembly area.
Bandang 12:30 kanina nang magsimulang magligpit ng kanilang mga gamit ang mga raliyista na nagtipon-tipon sa Tandang Sora at sa harap ng Commission on Human Rights (CHR).
Hindi na umabot ng tatlumpung minuto ang kanilang programa sa bahagi ng Tandang Sora.
Ayon sa grupo, aabot sa 7,000 ang nakiisa sa kanilang pagkilos pero batay sa initial report ng NCRPO, nasa 2,000 lamang ang nakibahagi.
Bahagya pang nagkaroon ng komosyon kanina matapos igiit ng mga raliyista na okupahin ang buong linya sa northbound ng Commonwealth area.
Ayon naman sa Quezon City Police District (QCPD), hindi sila nagkulang sa pagsaway sa mga mga raliyista na hindi nakasuot ng face mask at face shield.
Hindi na inaresto ang mga ito dahil sumunod din naman ang mga ito sa minimum health standards.