RALLY | State visit ni President Xi Jinping, sasalubungin ng kilos protesta

Manila, Philippines – Kasabay ng nakatakdang pagbisita sa bansa bukas ni Chinese President Xi Jinping sasalubungin sya ng kaliwat kanang kilos protesta ng iba’t-ibang militanteng grupo.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan magsasagawa sila at iba pang kaalyadong grupo ng pagkilos sa konsulada ng China sa Makati City.

Panawagan ng grupo ang pagtataguyod ng ruling ng international tribunal kaugnay ng West Philippine Sea na pumapabor sa Pilipinas, pagtutol sa mga proyekto na magtatali sa Pilipinas sa utang.


Katwiran ng grupo hindi dapat pumasok ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kasunduan na ang epekto ay ang pagsasantabi ng naipanalo na natin sa international court kaugnay ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kasunod nito umaapela ang Bayan kay Pangulong Duterte ng independent foreign policy na malaya mula sa dikta ng China at ng iba pang superpower countries tulad ng Estados Unidos.

Facebook Comments