
Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ralph Recto bilang ikatlong Executive Secretary ng administrasyon, kapalit ni dating ES Lucas Bersamin na nagbitiw sa pwesto.
Kasama ni Recto sa oath taking ang anak na si Batangas Rep. Ryan Recto.
Ayon kay Recto, ang marching order sa kanya ng pangulo ay tutukan ang mabuting pamamahala, bantayan ang performance ng mga departamento, at tiyaking nakapagta-trabaho ang mga ahensya nang hindi naaabala ng ingay sa pulitika.
Nagpasalamat din si Recto sa pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Marcos bilang executive secretary na isa aniyang malaking karangalan pero may mabigat na pananagutan.
Kasabay nito, nanumpa na rin ang bagong Finance Sec. na si Frederick Go, bilang kapalit ni Rector.
Ayon kay Go, tinatanggap niya ang tungkulin kaakibat ng mas mabigat na responsibilidad.
Batid daw niya ang mga hamon at oportunidad na kasama ng bagong trabaho kaya’t buo ang kanyang loob na isulong ang pagpapalakas ng pananalapi at pangmatagalang paglago ng ekonomiya.









