Ralph Trangia na isa sa suspek sa pagkamatay ni Atio at nanay nito, tinutugis na

Manila, Philippines – Kinumpirma ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na sinimulan nang tugisin ng interpol sa amerika ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay 1st year law student Horacio Castillo III.

Ayon kay Coronel, tinutunton na sa US si Ralph Trangia pati na ang ina nitong si Rosemarie.

Tinatapos na lang aniya nila ang kanilang final report sa kaso para mahiling na sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkansela sa pasaporte ng mag-inang Trangia.


Paliwanag ni Coronel, kapag nakansela ang passports ng mag-ina ay magiging undocumented alien na sila at mapapabilis ang pagpapadeport sa kanila pabalik ng bansa.

Matatandaag isang araw matapos namatay si Castillo ay agad lumipad ang mag inang Trangia patungo sa Amerika.

Facebook Comments