Ramadan nagsimula na!

9

Simula na ngayong araw ng Lunes, May 6 ang banal na buwan ng Ramadan.
Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan, walang “moon sighting” araw ng Sabado.
Alinsunod sa Bangsamoro Darul Ifta, opisyal na idineklara na magsisimula ang Ramadan ngayong Lunes.
Mababatid na ang Ramadan, na isa sa mga haligi ng Islam, ay ang panahon ng pagninilay at sakripisyo sa layong lalong maging malapit ang mga Muslim kay Allah.
Dahil dito, oobserbahan ng lahat ng mga Muslim sa buong mundo ang abstention kabilang sa sexual activity, bisyo, pagkain at tubig tuwing araw sa loob ng isang buwan.

Facebook Comments