Opisyal nang nagsimula ngayong araw ang panahon ng Ramadan.
Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan, walang “moon sighting” noong Sabado kaya at idineklara ang pagsisimula ng Ramadan ngayong araw.
Ang Ramadan ay ang panahon ng pagninilay at sakripisyo ng mga Muslim na layong lalong maging malapit kay Allah.
Oobserbahan ng lahat ng mga Muslim sa buong mundo ang pag-iwas sa sexual activity, bisyo, pagkain at tubig tuwing araw sa loob ng isang buwan.
Facebook Comments