Pinaghahandaan na ng mga mananampalatayang Islam ang pag-oobserba ng banal na buwan ng Ramadan sa Bangsamoro Autonomus Region in Muslim Mindanao.
Magsisimula ang Ramadan bukas, base na rin sa naging announcement ni Bangsamoro Government Darul Ifta Mufti Abu Huraira Udasan matapos hindi makita ang buwan kagabi.
Kaugnay nito, kinansela narin sa BARMM ang mga aktibidad lalo na ang mga mass gathering kasabay ng obserbasyon ng Ramadan itoy may kaugnayan naman sa kinakaharap na krisis na hatid ng COVID 19.
Nagpaabot na rin ng mensahe ng Kapayapaan sina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kapwa umaasa rin ang dalawang opisyal na tuluyang matatapos na ang sakripisyong nararanasan ngayon ng mga Bangsamoro dulot pa rin ng COVID 19.
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>