Ramadan sa Maguindanao apektado ng Brownout

Umaapela ngayon ang ilang residente ng Maguindanao sa pamunuan ng Maguindanao Electric Cooperative o Magelco na sanay ilipat ang oras ng iniimplementang rotational brown out.

Itoy matapos na maapektuhan ang mga ginagawang religious activities na naitaon tuwing alas sais hanggang alas 7:30 ng gabi at alas 7:30 hanggang alas 9 ng gabi .

Kaugnay nito iminumungkahi ng mga ito sa Magelco na sanay gawin na lamang alas dyes ng gabi ang rotational brown out. Kung saan tapos na ang IFTAR at TARAWI at panahon ng pagtulog ayon pa kay Anwar Emblawa, Admin Officer ng LGU Shariff Aguak.Isa lamang si Emblawa mula sa libong apektado sa lalawigan at nanawagan na naway tugunan ng Magelco .


Maliban sa Iftar at Tarawi, apektado rin ang quran reading sa ilang LGU na lalawigan na kalimitang ginagawa sa gabi.

Bukod sa Maguindanao apektado rin ngayon ng rotational brownout ang ilang bayan sa North Cotabato.

FILE PIC

Facebook Comments