Rambulan ng Dalawang Grupo sa Cauayan City, Isa ang Patay-6 Sugatan!

Cauayan City, Isabela – Kumpirmado na isa ang patay at anim ang sugatan matapos magrambulan sa isang lugawan at naghabulan ng sasakyan na humantong sa banggaan ang dalawang grupo ng kabataan kaninang madaling araw sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang nasawi na si Jake Anthony Macadangdang, bente anyos samantalang sugatan ang mga kasamahan nito na sina JohnMark Sanchez, labing siyam na taong gulang; Robie Sinnott, bente anyos; Derik Villa Fuerte, dalawampu’t isang taong gulang, Daryl Ordonez, labing siyam na taong gulang; at dalawang menor de edad na pawang mga residente dito sa lungsod ng Cauayan.

Ang mga suspek naman ay kinilalang sina Aaron Christian Reyes, dalawampu’t dalawang taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy San Juan, Aurora, Isabela at Hugiebert Moico, dalawamput walaong taong gulang at nakatira sa Brgy. San Pablo, Aurora, Isabela.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sa loob umano ng lugawan ay nagkainitan ng salita sina Macadanddang at Reyes na nagresulta ng rambulan ng dalawang grupo na umanoy pawang mga nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin.


Pagkatapos umano ng rambulan ay sumakay ang mga biktima ng kanilang mga motorsiklo at umalis sa lugar upang iwasan sina Reyes at Moico ngunit sinunda parin ang mga biktima gamit ang kanilang kotse.

Binunggo umano ng mga suspek ang mga motorsiklo ng mga biktima na nagresulta ng kanilang pagkatumba sa daan na sanhi ng kanilang tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa pagresponde ng Rescue 922 ay binawiaan na ng buhay si Macadangdang samantalang itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ang iba pang biktima.

Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsampa ng kaso laban sa dalawang suspek.






Facebook Comments