Ramon Ang, walang sinusuportahang kandidato sa House Speakership

Itinanggi ng negosyanteng si Ramon Ang na mayroon siyang sinusuportahan na kandidato sa pagka-House Speaker.

Ito ay taliwas sa pahayag ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na suportado ni Ang si Marinduque Cong. Lord Allan Velasco.

Giit ni Ang, hindi niya ginagamit ang kanyang impluwensya o nanghihingi ng pabor sa mga pulitiko.


Alam aniya ito ni Cayetano dahil ilang beses na ito humingi sa kanya ng tulong.

Pumalag din si Ang sa mga alegasyon ni Cayetano at political operators na iniimpluwensyahan niya ang speakership race.

Hindi rin siya nangangampanya sa sinumang pulitiko para isulong ang kanilang negosyo.

Facebook Comments