LINGAYEN, PANGASINAN-Nanumpa na bilang ika-31 gobernador ng Pangasinan si Ramon “Mon-Mon”Guico III ngayong araw sa Sison Auditorium.
Pinangasiwaan ni Judge Harriet C. Cabreros, Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court of Binalonan and Laoac Pangasinan ang inagurasyon ni Guico pasado 9:00 ng umaga.
Kasama nito ang kanyang may bahay, apat na anak at ang kanyang mga magulang.
Sa kanyang inaugural speech, tiniyak ni Guico ang malinis na pamamahala sa kaniyang termino, pagpapalago ng ekonomiya, programa sa edukasyon, pagpapalakas ng health services at food security at iba pa.
Aniya, handa na ito sa responsibilidad na kakaharapin niya bilang isang gobernador.
Si Guico ay nakakuha ng 885, 272 na lamang na boto mula sa kaniyang naging katunggali na si Amado Espino III noong nakaraang eleksyon.
Nagsilbi ito bilang Alkalde ng Binalonan mula 2010-2019 at sumunod bilang Congressman ng ika-5 distrito.
Isinagawa din ang MOA Signing Ceremony sa pagitan ng probinsya at ng GR8 Seas Holdings Inc. and SAHI Technologies para sa pagpapatayo ng bagong pasilidad para EV Charging Stations, Lithium Ferro Phosphate Batteries and Battery Energy Storage System sa bayan ng Bayambang.
Kabilang din sa mga dumalo sa inagurasyon nito ay ang kaniyang mga kasamahan sa Alyansang Guico-Lambino o AGuiLa na sina Bayambang Outgoing Mayor Cezar T. Quiambao, 2nd District Congressman Elect Mark Cojuangco, 1st District Elect Arthur Celeste at Vice Governor Marc Lambino. | ifmnews
Facebook Comments