Ramon Tulfo extended ang termino bilang Special Envoy for Public Diplomacy Ng Office Of The President sa People Republic Of China

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ramon Tulfo Jr. bilang special Envoy for Public Diplomacy ng Office of the President to the Peoples Republic of China.

 

Una nang itinalaga si Tulfo ni Pangulong Duterte sa kaparehong posisyon noong Oktubre noong nakaraang taon at tumagal ito ng 6 na buwan at ngayon ay 6 na buwan din ang itatagal ng kanyang appointment sa posisyon.

 

May petsang May 27, 2019 ang appointment paper ni Tulfo. Samantala bukod kay Tulfo ay inilabas narin ng Malacanang ang appointment paper ni Justice Henri Jean Paul Inting bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema na naibalita narin naman kahapon.


 

Itinalaga din ni Pangulong Duterte si Clair Dennis Mapa bilang bagong National Statistician ng Philippine Statistics Authority na may terminong 5 taon kapalit ito ni Lisa Grace Bersales.

Facebook Comments