Manila, Philippines – Isa pang reklamo ang isinampa ni Executive Secretary Salvador Medialdea laban sa kolumnistang at Special Envoy to China na si Ramon Tulfo.
Ayon kay Atty. Elvis Balayan, libel charges ang inihain ni Medialdea laban kay Tulfo sa Manila Prosecutors Office.
Personal na pinanumpaan ni Medialdea ang kanyang reklamo laban kay Tulfo bagamat tumanggi itong magpa-interview.
Ang reklamong libel ay nag-ugat sa artikulo ni Tulfo sa Manila Times hinggil sa aniyay pagkakasangkot ni Medialdea sa PCSO scandal.
Nakasaad sa artikulo na may tauhan daw si Medialdea na tiga-kolekta ng cut o bahagi ng reward money.
Pero pinabulaanan ito ng executive secretary.
Facebook Comments