Random checks sa mga dayuhan, inirekomenda

Manila, Philippines – Itinutulak ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap na bigyang kapangyarihan ang mga pulis na magsagawa ng random check sa mga dayuhang lumalabag sa ating immigration o labor laws.

Kabilang sa mga paglabag na madalas na ginagawa ng mga dayuhan ay overstaying o kawalan ng employment permits.

Ayon kay Yap, makatutulong ang hakbang na ito para mapigilan ang mga dayuhan na gumawa ng kalokohan sa bansa at para din mapalakas ang kampanya kontra illegal POGO workers.


Sinabi ng kongresista na wala namang dapat ikabahala sa random checks kung palagiang bitbit ang kanilang passports at kopya ng permits.

Kagaya lang aniya ito ng ginagawa ng mga Pilipino kapag nasa abroad na laging dala ang pasaporte dahil may otoridad ang mga pulis sa ibang bansa na tingnan ang mga dokumento ng mga dayuhan sa kanilang bansa.

Pinatitiyak naman ni Yap na mayroong safety nets sa implementasyon nito para hindi magamit sa posibleng extortion ng mga abusadong pulis.

Facebook Comments