Cebu, Philippines – Posibleng masimulan na ngayong taon ng Department of Education ang pagpapatupad sa random drug testing para sa mga guro sa mga pangpublikong paaralan.
Inihayag ito ni Education Secretary Leonor Briones sa kaniyang pagdalo sa pagbubukas ng Brigada Eskuwela program sa Cebu City.
Ayon kay Briones, magiging priyoridad sa drug testing ang mga guro sa primary at secondary public school sa tulong ng Department of Health.
Ipapaubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagpapatupad nito ng sarili nilang drug testing program.
Facebook Comments