
Isusulong ni Senator Raffy Tulfo na isabatas ang random drug testing sa mga kasalukuyang halal at mga itinalagang opisyal sa pamahalaan.
Maghahain ng panukala para rito ang senador matapos ang isinagawang mandatory drug testing sa opisina ng senador kung saan negatibo sa iligal na droga ang mambabatas at 55 staff nito.
Layunin ng pag-institutionalize ng random drug test na palakasin ang integridad at accountability ng pamahalaan.
Tiniyak ni Tulfo na ikinondisera niya sa ihahaing panukala ang Supreme Court (SC) ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang mandatory drug test para sa mga kumakandidato sa eleksyon kaya tanging mga kasalukuyang opisyal lang ng pamahalaan ang
Hamon pa ng mambabatas, kung walang itinatago ay walang dapat na ikatakot sa random drug test ang mga incumbent officials dahil ito ay tungkol sa pangangalaga sa integridad ng ating institusyon at para tiyakin na ang mga lider ay tunay na nagsisilbi sa mga publiko.









