RANDOM DRUG TESTING SA HANAY PUV DRIVERS SA REGION 1, PATULOY NA ISASAGAWA BILANG PAGTITIYAK SA KALIGTASAN NG COMMUTERS

Nagpapatuloy naman ang ginagawang random drug testing sa hanay ng public utility vehicle drivers sa buong Rehiyon Uno.

Ang ginagawa na ito ay sa pakikipag tulungan ng PNP, PDEA at ng LTFRB Region 1 upang sa gayon ay mapanatili at matiyak ang kaligtasan ng publiko habang nasa kalsada.

Ang mga nagpopositibo sa drug testing ay dumadaan sa confirmatory test at kaukulang kaso naman ang pwedeng kaharapin sakaling mapatunayan na ito ay nagpositibo.


Ang usapin na ito ay matapos isang PUV driver ang nagpositibo sa drug testing na isinagawa na operasyon ng LTO Region 1, HPG, Urdaneta Forensic Unit, LTO Central Office, 5th District Municipal Police Stations at Rosales Police Station ang OPLAN LIGTAS sa Kalsada Kontra Droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Pagtitiyak ng LTFRB na ang lahat ng mahuhuli ay mananagot sa batas. | ifmnews

Facebook Comments