Sumailalim sa random drug testing ang mga drayber at konduktor sa Ilocos Norte bilang patuloy na pagtitiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga mananakay.
Pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at koordinasyon ng Department of Health (DOH) maging ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) ang testing.
Kabuuang 106 na indibidwal ang sumailalim sa naturang drug testing kung saan 44 dito mga bus drivers at 29 naman ay mga konduktor.
Sa pagsusuri, lumalabas na Isang drayber at isang konduktor ang nagpositibo sa methamphetamine hydrochloride o “shabu” at ngayon’y nasa ilalim na ng Drug Dependency Examination sa Treatment and Rehabilitation Center ng DOH.
Pansamantala rin kinumpiska ang lisensya ng nagpositibong drayber at maibabalik kung makukompleto at maipapasa nito ang in-patient rehabilitation program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments






