Sumailalim sa random drug testing ang mga driver at konduktor ng iba’t ibang bus companies sa Dagupan City bilang bahagi ng inisyatibo ng Land Transportation Office (LTO) Region 1.
Pinangunahan mismo ni LTO Region 1 Regional Director Glorioso Daniel Z. Martines ang aktibidad, katuwang ang mga kawani ng ahensya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at Department of Health (DOH). Personal nilang tinungo ang mga bus terminal sa lungsod upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng testing.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay RD Martinez, sinabi nitong bahagi ng pinaigting na Oplan Byaheng Ayos 2024 ang hakbang na ito upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero at kaayusan ng biyahe, lalo na ngayong Holiday season.
Kabuuang 50 driver at konduktor ang sumailalim sa drug testing, na naglalayong tiyakin na sila ay hindi nasa ilalim ng impluwensiya ng droga habang nasa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨