Tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) na handang handa na sila sa pagbibigay ng seguridad ngayong ika anim na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG Commander Brigadier General Jesus Durante na siya ring pinuno ng Task Force SONA 2021 nitong mga nakalipas na araw ay pinaigting na nila ang protective security operations sa bisinidad ng Batasang Pambansa.
Habag ngayong araw ay patuloy silang magsasagawa ng random inspections.
Kahapon, nagsagawa pa ang Task Force ng walk-through and inspection sa Batasang Pambansa na siyang venue sa huling SONA ng pangulo.
Kasunod nito, all systems go na ang PSG sa pagbibigay seguridad sa Pangulo at sa fist family.
Facebook Comments