Manila, Philippines – Ikinatuwa ng pamunuan ng Mandaluyong Police Station sa resulta ng isinagawa nilang Random Drug Test sa PCP 3 Base Mayflower st. Greenfield District Mandaluyong City matapos na matuklasang negatibo ang lahat ng mga pulis na sumailalim sa Random Drug Test.
Ayon kay P/Sr.Inspector Villarta alinsunod sa directiba ni Chief, PNP,Director General Oscar Albayalde na magkaroon ng Internal Cleansing Program, sa pamamagitan ng pagsasailalim ng surprise drug testing ang mga pulis sa PCP 3.
Lahat ng mga pulis na sumailalim sa Random Drug Test ay negatibo ang resulta ng kanilang pagsusuri kung saan patunay lamang na karamihan sa mga pulis sa EPD ay hindi gumagamit ng ilegal na droga.
Paliwanag ni Villarta ang naturang hakbang ng Mandaluyong PNP upang patunayan na hindi gumagamit ng ilegal na droga ang mga pulis Mandaluyong kayat nagkaroon ng surprise drug testing.