Random manual audit, inaasahang matatapos sa Huwebes

Umabot sa higit 600 mula sa 715 randomly selected sample precincts ang sumalang sa Random Manual Audit (RMA) ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia – 635 randomly selected sample precincts ang na-audit na.

Aniya, inaasahang matatapos ang RMA sa Huwebes.


Ang mga boto mula randomly selected clustered precincts ay manu-manong binibilang at ikinukumpara sa automated tally upang matiyak na walang discrepancies.

Facebook Comments