Random manual audit ng Comelec-Lente, matatapos na sa Huwebes

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Comelec Commissioner Luie Guia na hanggang sa Huwebes na lamang ang ginagawang Random Manual Audit (RMA) ng komisyon at ng Lente Philippines.

Sinabi ni Guia na 635 na clustered precincts na ang kabuuang na-audit nila mula sa 715 selected clustered precincts.

Ito ay mula naman ito sa 246 legislative districts sa buong bansa.


Kabilang sa tumutulong sa RMA ang mga volunteers mula sa DepEd, Philippine Statistics Authority (PSA), Comelec at Lente Philippines na binubuo ng mga abogado at paralegals.

Facebook Comments