Random manual audit ng Lente, posibleng umabot ng 2 linggo

Posiblang umabot ng dalawang linggo ang isinasagawang random manual audit ng Legal Network for Truthful Elections o Lente dahil sa dami ng mga balota.

Ayon kay Lente Executive Director Rona Ann Caritos – nasa 40 ballot boxes lang bawat araw ang kanilang natatapos, mas mababa sa kanilang target na 60 ballot boxes bawat araw.

Idinagdag pa ni Caritos – kailangan nila ng mas maraming guro at auditors para mapabilis ang manu-manong pagbibilang ng mga boto.


Aniya, ang delay sa manual counting ay maaaring matagalan upang matiyak ang resulta at maalis ang alegasyong dayaan sa halalan.

Makakatulong din ang RMA lalo na sa mga ulat na ilan sa mga boto ay hindi tumugma sa voter’s receipts na inilalabas ng vote counting machines (VCM).

Facebook Comments