Posibleng tumagal pa hanggang sa ikalawang linggo ng Hunyo ang nagpapatuloy na random manual audit (RMA) ng Legal Network for Truthful Elections o Lente.
Ayon kay Lente Executive Director Ona Caritos – ang timeframe ay mas doble sa naunang target na 12 araw.
Ang random manual audit team o RMAT ay binubuo ng tatlong guro na kayang makapagkumpleto sa pag-audit ng mga balota mula sa isang ballot box sa loob ng dalawang araw.
Sa ngayon aniya, aabot na sa 100 ballot boxes ang nakumpleto na ang audit ng nasa 60 RMAT mula noong May 15.
Sa ilalim ng RMA, tinitingnan ang accuracy ng vote counting machines (VCM) sa pamamagitan ng pagkumpara sa tally of votes mula sa voter’s receipts at sa election returns na inimprenta mula sa VCM.
Facebook Comments