Hindi na aalisin ng Commission on Elections (Comelec) ang random manual audit sa tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mandato ito ng batas at hindi dapat mawala tuwing halalan.
Epektibo rin aniya ang random manual audit dahil ito ang nakakapagpatunay kung tama ang naging bilang ng mga boto sa paggamit ng mga PCOS machine.
Sa nagdaang mga halalan, laging nagsasagawa ng random manual audit ang Comelec para ipagkumpara ang mga boto ng makina sa mga balota na pinasok dito.
Maliban dito, pananatilihin na rin ng Comelec ang mga members at component nito.
Kaugnay nito, umaasa si Garcia, na mababawasan na ang anumang pagdududa sa kredibilidad ng halalan sa bansa dahil maikukumpara na ang resulta ng eleksyon na inilabas ng mga makina at resulta sa random manual audit.