
Iminungkahi ni Senator Erwin Tulfo ang pagsasagawa ng random on-ground inspection sa mga proyekto ng gobyerno upang matiyak na hindi masasayang ang pera ng taumbayan.
Binigyang-diin ni Sen. Erwin ang kahalagahan na magkaroon ng mga tao “on the ground” na magsasagawa ng random checks sa mga proyekto at hindi lamang sila dapat nakadepende sa kung ano ang ire-report ng Secretary.
Punto ng senador, nakita naman kung paanong tinatakpan ng mga regional directors ang mga district engineers at maski ang mga Kalihim ay maaaring sangkot pa sa pagtatakip.
Nagpahayag naman ng suporta si Tulfo sa pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee na susubaybay sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na pinondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.
Kasama si Sen. Erwin sa magiging bahagi ng oversight committee at tiniyak niya na babantayan at susuriin niyang mabuti ang pagpapatupad ng mga proyekto.










