Bumaba nang tatlong puwesto ang Pilipinas sa global governance index.
Mula sa ika-63 puwesto noong 2022, nasa ika-66 ngayon ang Pilipinas mula sa 104 na mga bansa sa buong mundo.
Ito ay makaraang makakuha ang bansa ng index score na 0.4694 batay sa Chandler Good Governance Index 2023.
Sinusukat ng Chandler Good Governance Index ang “capabilities and effectiveness” ng gobyerno sa pitong pillars na kinabibilangan ng leadership and foresight; matatag na mga batas at polisiya; matibay na mga institusyon; pangangasiwa sa pananalapi; attractive marketplace; global influence and reputation; at pagtulong sa mga tao na makabangon.
Nanguna naman sa listahan ang Singapore na may 0.8646 index score, sinundan ng Switzerland, Finland, Denmark, Norway, Sweden, The Netherlands at Germany.