Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalit sa Rank Classification ng mga miyembro ng Philippine National Police na inihanay sa Rank Classification ng Philippine Army.
Ito ang kinumpirma ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, nililinaw ng batas ang Command Responsibility sa PNP para maging mas epektibo at efficient ang control ng mga opisyal sa kanilang mga tauhan.
Batay sa batas ang PNP Chief ay magkakaroon ng Rank na Police General mula sa Police Director General, ang 3 Star General PNP office ay tatawaging Police Lieutenant General mula sa Police Deputy Director, 2 Star ang Major General mula sa Police Director at Police Brigadier General mula sa Police Chief Superintendent.
Ang dating Police Senior Superintendent naman ay magiging Police Colonel, ang dating Police Superintendent ay magiging Police Lieutenant Colonel, magiging Police Major naman ang Police Chief Inspector, Police Captain ang dating Police Senior Inspector, Police Lieutenant ang dating Police Inspector.
Para naman sa mga non-commissioned officer, ang dating SPO4 at gagawing Police Executive Master Sergeant, ang SPO3 at gagawing Police Chief Master Sergeant, ang SPO2 ay gagawing Police Senior Master Sergeant at ang SPO1 ay gagawing Police Master Sergeant.
Ang PO3 ay gagawing Police Staff Sergeant, ang PO2 ay gagawing Police Corporal at ang PO1 naman ay gagawing Patrol man o Patrol woman.
Matatandaan na matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nalilito siya sa rank classification ng PNP na posibleng naging dahilan kung bakit ginawa ang batas.