Ranking ng Pilipinas pagdating sa pagpapairal ng rule of law, tumaas!

Manila, Philippines – Tumaas ang ranking ng Pilipinas sa hanay ng mga bansa sa buong mundo pagdating sa pagpapairal ng rule of law.

Ayon sa World Justice Project (WJP) rule of law index 2019, pang-90 na ang Pilipinas mula sa 126 na mga bansa, na mas mataas na kesa sa 88th place mula sa 113 bansa noong 2017-2018 index.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng index score na 47 mula sa evaluation sa survey ng walong factors:


Constraints on Government Powers
Absence of Corruption
Open Government
Fundamental Rights
Order and Security
Regulatory Enforcement
Civil Justice
Criminal Justice

Nangunguna naman ang Denmark, sunod ang Norway at pangatlo ang Finland.

Habang nasa dulo naman ng listahan ang Democratic Republic of the Congo, Cambodia at Venezuela.

Ang inilabas na datos ay ayon sa 3,800 surveys na ikinasa sa 120,000 kabahayan sa 126 na bansa.

Facebook Comments