Ranking ng Pilipinas sa COVID-19 Resilience ng Bloomberg, pinalagan ng Malacañang

Pumalag ang Malacañang sa inilabas na COVID-19 Resilience Ranking ng Bloomberg kung saan muling nangulelat ang Pilipinas sa pagtugon sa pandemya.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat ang gawing basehan ng Bloomberg ay ang paglago ng ekonomiya at hindi ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa problema sa pandemya.

Sa katunayan aniya ay umangat ang ekonomiya ng bansa noong fourth quarter ng 2021 kung saan naitala ang 7.7 percent economic growth.


Habang ang forecast ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para economic growth ng 2022 ay nasa 7% hanggang 9%.

Giit ni Nograles, mga respetadong institusyon ang naglabas ng pagtaya sa lagay ng ekonomiya ng Pilipinas kaya ito ang dapat na ginagawang batayan kung paano nakakayanan ng Pilipinas ang hamon ng COVID-19 crisis.

Facebook Comments